Blogs are everywhere!
Marami nang paraan ng paglalahad ng impormasyon. Umabot na tayo sa panahon na kung saan ang paglaganap ng kaalaman ay sinusukat sa pamamagitan ng segundo lamang. Malayo na nga ang ating narating kung tutuusin. Malayo na nga ba?
Kung susuriing mabuti, mayroong dalawang kategorya na negatibo ang relasyon sa isa't isa kung impormasyon ang pag-uusapan. Ito ang pagsiwalat ng kaalaman at ang tibay ng naimbak na kaalaman.
Nuong sinauna, natutunan ng ating mga ninuno ang pagsulat. Una nila itong ginawa sa bato, katunayan sa dingding ng mga kwebang tinutuluyan nila. Dahil dito ang impormasyon ay nakakulong duon sa kweba. Maliban na lamang na ito ay puntahan at dalawin, iilang tao lamang ang makakatunghay at makikinabang sa impormasyong ito. Ang positibong aspeto nito ay ang napakatagal na panahon na maaring maimbak ang impormasyon. Mababa ng pagsiwalat ng kaalaman, subalit matagal na mapapakinabangan ang impormasyon.
Natutunan din ng tao ang pagsulat sa bato. Dahil dito, tumaas ang posibilidad na maisiwalat ito ng malawakan (mga ilang kilometro) subalit bumaba naman ang tagal ng pakinabang (mga ilang dekada lamang; nababasag din ang mga bato).
Ang sumunod ay pinatuyong luwad. Mas mataas ang posibilidad ng pagsiwalat subalit mas umikli muli ang tagal ng pakinabang.
Naimbento ang papel. Dito nagkaroon ng rebolusyon sa impormasyon. Dahil sa gaan ng papel, mas madali itong dalhin sa iba't ibang lugar. Ito ang dahilan ng mas malawakan na pagsisiwalat ng kaalaman. Iyon nga lang, ang papel ay mas marupok kaysa luwad o bato, kaya ang tagal ng pakinabang ay ilang siglo lamang.
Nuong madiskubre ang electronics, panibagong rebolusyon sa impormasyon na naman ang ating naranasan. Natunghayan natin ang nakalululang pagdagsa ng kaalaman mula sa iba't ibang dako ng mundo. Milyon milyong bagong kaalaman ang nadagdag sa internet sa napakaikling panahon. Ang teknolohiyang ito ang nagbigay sa atin ng pinakamalawakang paraan ng pagsisiwalat ng kaalaman.
SUBALIT, ito ring teknolohiyang ito ang may pinakamaikling tibay ng naimbak na kaalaman. Una, ang isinulat mo ngayon ay maaring luma na agad kinabukasan. Pangalawa, ang teknolohiyang ito ay binubuo lamang ng electronic signals na napakasensitibo. Ang pagkawala ng electric power o magnetic power ay nangangahulugan ng pagkawala ng impormasyon. Hindi rin ligtas ang ilang optical devices gaya ng CDROMs na isang gasgas lang ang katapat.
Marami mang pagkukulang, ang internet at electronic media ay isang mabisang paraan ng paglalahad ng kaalaman. Tayong mga tinawag ng Diyos para maging bayan nya ay nabubuhay na ngayon sa Internet Age. Bago man ang larangang ito, dapat ay manguna tayo sa paglinang sa pamamaraang ito, upang lalo nating maikalat ang kaalaman ukol sa pagliligtas ng ating Diyos.
Kasama ba kita?
Monday, December 13, 2004
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
5 comments:
kasama po..
i agree with you kuya..
allowing technology and theology to work hand in hand can be a very effective and powerful means in spreading God's message of salvation...
we Christians should take active part in using these technologies for the advancement of God's agenda.
Let's not be left behind.
God's message of love is too great and it deserves the best "advertisement", the best and the most popular "media" (internet and e-media) we have.
There's no better and greater use for these inventions than to use them for His purposes and glory..
nakalimutan ko pala sabihin, ang galing.
i wish i can write like that in Tagalog..
pero sge lang..
i'l be content with my ilonggo na lang.
huli man akong sumagot...kasama mo ako...
This reminds me of a website that you shared to me once, The one with the cool intro about God. I wish that there's more of that kind of sites now than those crappy and useless sites on the net.
yeah!
we must use
new tech
4 God's glory!!
we must bring
back all things God
poured to us!!
nice blog!
yeah!
we must use
new tech
4 God's glory!!
we must bring
back all things God
poured to us!!
nice blog!
Post a Comment